ang sweet nya parati sa akin. tuwing nalulungkot ako gumagawa siya ng paraan para maging masaya lang ako ulit. and he keeps on telling me how much he loves me. nagpaplano na nga xa para sa kasal namin AFTER 10 YEARS. haha. how sweet. sabi nya pa willing daw sya magpaconvert at gagawin ang lahat matanggap lng xa ng pamilya ko especially my parents :) oh well. swerte ko lng talaga sa kanya kasi sya yung tipo ng lalake na hinahanap ng mga babae ngayon. ni hindi nga sya marunong manakit ng damdamin ng babae. nakakamiss nga yung pagiging CORNY nya pag magkasama kami. haha. halos minuminuto nagiging mais na sya sa kacornihan. hinding hindi ako magsasawa sa kanya kasi ang sarap nyang kasama! walang time na hindi ako natatawa kasi lahat ng kwento nya eh puro mga kalokohang ginagawa nila ng mga barkada nya.
he’s the type of guy na caring, malambing, masayahin, kaso kapag namimiss na ako ayon, daig pa ata ako sa pagiging emotera ko. haha. antagal na nung huli kaming magkita eh. aprill 8 yun. isa yun sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko kasi nakilala na sya ng parents ko :) as my classmate nga lang. pero sige lang. darating din yung araw na mapapakilala ko na tlga sya sa pamilya ko.
yung favorite part ko sa relationship namin is yung pagiging mag kaibigan namin. haha. we’re friends for more than 7 years na. haha. crush ko sya nung grade 5 pero hindi nya nalaman. haha. this year nya lng nalaman. yun yung advantage namin. kasi may pinagsamahan kami. hindi kami naiilang sa isa’t isa. kumbaga parang nasanay na kami. la lang. gusto ko lang i-share :D haha
haaaaay naku. and here i go again. namimiss ko na naman bibi ko. kelan kaya kami magkikita ulit? nasa davao ako sya nasa gensan. long distance relationship nga. pero kaya namin to! tiwala lng sa isa’t isa at pagmamahal lng naman ang kelangan eh.
ito ung gusto kong line na sinabi nya sakin
“You’re the most expensive jewel i have, the most valuable person i could ever be with.”
No comments:
Post a Comment